Sa Wakas
(Gagayahin ko na rin sina Elma at Fil...)
Sa wakas, makalipas ang mahigit isang buwan, nai-upload na rin ni Norman ang mga larawan ng barkada sa unang pagtatanghal ng pangkat ng manunugtog ni Ige kasama ang kanyang mga kamag-aral sa mataas na paaralan. Naganap ito noong ika-2 ng Nobyembre sa Cafe Lupe sa Guadalupe. Narito ang ilan sa mga nakunang litrato na kung saan ay kasama ako.
Para sa kalahatan ng mga nasabing larawan, dalawin na lamang ang ating pangkat sa Yahoo!: BARKADAHAN
Oo nga pala, naroon din kami nina Danes, Liz at May noong ika-23 ng Nobyembre, ang ikatlong pagpapakitang-gilas ng grupo nina Ige. Sayang nga lamang at hindi ko na kayang pumunta ngayong gabi doon dahil sa ako ay naghahanda para sa aking pagsasalita sa pagpupulong ng lahat ng mga inhinyero sa kuryente bukas (7th National Electrical, Electronics, Computer, and Communications Engineering) at sa dahilan din na kapos na ako sa kaperahan. > halakhak <
Pahuling-sulat (PS): O, ayan Fil, ngayon mo bigyang-kumento ang aking lathalain. Biro lang.

Labels: barkadahan, images, music
<< Home